Saturday, 8 August 2015

Topakin Ka Ba?

Nakakaloka pag tinotopak ano? Yung tipong biglang "okay shift na muna ko ng mood, later na lang ulit back to normal" na di mo namamalayan eh nag-aala-Rhodora X ka na. Nakakainis na di mo maintindihan bakit ganon. Bigla biglang mananahimik tas unti unti nanliliksik ang mga mata mo na parang sinasaniban ka na. Minsan nakaka-buang sa pakiramdam! Yung ang ganda ng araw mo tas sa di inaasahang pagtotopak, ayun wasak ang araw mo. Di lang naman ito para sa mga taong nagkaka-red day ah. Kung minsan talaga di maiiwasan yung mga ganon na pangyayari. Na parang lahat ng mga taong makakasalubong mo eh ang sarap patalsikin gamit ang iyong daliring bagong manicure. Pero di mo pa din maintindihan bakit ganon ang nararamdaman mo. Imbyerna diba?! 

 Yung pagka-toyo mo umabot na sa pwedeng ipang sangkap sa paborito mong adobong manok ni Inay. Kulang na lang eh laklakin mo lahat ng pampakalma. Pero medyo OA na yun. Jusko. Pwede ba. Di mo ikadadagdag ng ganda yang pag-mamaktol mo. Batukan ka pa ng kaibigan mong wagas maka-hampas sayo pag kinikilig eh. 

Oh eto mga tips para mabawas-bawasan yang pag iinarte mong hinayupak ka.

1. Manuod ng mga palabas ni Mr. Bean. Baka sakali kahit di ka ma-cheer up ni Mr Bean through words of wisdom eh mapasaya ka naman nya sa mga effortless actions nya. Malay mo, ma-develop kayo kahit through TV lang. Mala #AlDub ang eksena nyo tuloy!

2. Hunting-in si crush at sabihang "Crushie, panagutan mo tong pagto-toyo ko ngayon baka di kita matantya halikan kita jan!" Eh biglang go naman si crush. Instant love life! Ugaliing magdala ng arinola baka biglang bumulwak iyan. Pero dahil ma-kiri kang tunay, joke lang yun. Uyy.. Umasado sya!

3. Mambwisit ka din ng kaibigan para it's a tie kayo sa pagiging wala sa mood. Geh, kung jan ka magiging masaya.

4. Mag-COC ka tapos i-double o mas maganda, triple kill mo yung pag raraid sa clan war nyo o kaya naman pag nag loot ka. Ode well farmed ang storages mo, napasaya ka pa ng wala sa oras.

5. Mag stress eating para lumobo ka ng lumobo at lalo kang mainis. Bwahahaha. Hay.. Kay sarap ng ice cream yung vanilla flavor lang tapos gagawing pang milkshake. Ay sus! Perfecto beh, perfecto!

Thursday, 6 August 2015

Usapang Mala-Breakup Playlist

Lakas maka-hugot ng "Paano Ba Ang Magmahal" na version nila Mareng Sarah G at Papa P ano? Lakas maka-saksak puso tulo ang dugo, yung tipong kahit wala kang lovelife (Ehem!) eh feel na feel mo yung kanta. Lalo na yung part na "Umiiyak na lang palagi, gusto ko ng lumisan"-- ay girl! Damang dama talaga! Wala naman akong pinagdadaanan tungkol sa pag-i-pag-ibig na yan (pero kung maka-blog kala mo sinakluban ng building ng SM at Robinsons, isama mo na din ang Waltermart para triplets sila). Hindi ko din mawari saan ako humuhugot ng very deep, basta gusto ko lang magsulat! Yun na 'yon! Hahaha. Siguro dahil na din sa kababasa ko ng mga articles na kung humugot din eh daig pa ang pagkatapak ni Hulk sa daanan. 

Kung mapapansin nyo sa blog page kong 'to ay halo halo na. Unang mga nai-post ko ay puro food blog at kung anek anek pa. Kaya naman maiintindihan nyo na ko kung bakit ganito ang aking figure. Hahaha. Mahal ko ang pagkain, pwede ba. At walang makakapigil saakin! Charat! Ayun nga tinamad na din ako mag update dahil sa desktop lang naman ako nag susulat ng blog at nag eedit ng mga pictures. Kaya naman naisipan kong magsulat na lang ng kung ano gusto kong ilabas. Di PA naman base on my experience--ayan may 'DI PA'.. NBSB kaya 'to! Di man mukha, pero seryoso. Di naman sa takot akong sumubok, pero unsure pa eh. Tipong gusto na ayaw pa? Gulo ano. Hahaha. Ah basta, I love the idea of "being in love" pero I guess I'm not yet ready for it. Hanggang kilig kilig muna sa panunuod ng movies ang eksena ko. Ipon ipon ng ideas paano pa nagka-jowa na? Ganern!

Ano ka, masarap kaya makinig ng hugot na mga kanta! Actually may playlist ako nyan. Anong kabaliwan diba? Pero enjoy na enjoy ko makinig pramis. Yung tipong kasing lalim na ng deep well yung hugot na hugot na kanta tas sasabayan mo.. ode instant karaoke diba? Mainam din yun sa pag vo-voice lesson. Pak na pak with feelings. Soul sister ko kaya sila Mars Kyla, Juris at Nina! Pak na pak ang pagsasama ng mga kanta nila. Grabe dalang dala ako...(sa damdamin lang ha, wag na natin pag-usapan ang timbang please lang) I-try nyo minsan mga bakla! Pero wag naman sa mga panahong talagang broken hearted kayo ano? Suicide sa damdamin yon kaya wag mo ng tangkain kung pwede lang.

Presenting my malutong lutong na "PANG SENTI" playlist. Jologs man yung ibang kanta jan pero try nyo pakinggan din sila at makakarating kayo sa #HugotLand promise.

Certified Assumera at Shunga

Masakit man pero kailangan mo ng tanggapin na wala talaga. Kahit pilitin mo kung ayaw, wala talaga. Sasaktan mo lang ang nananahimik mong damdamin at utak mo kakaisip kung bakit walang kapupuntahan yang nararamdaman mo. Sayang ang oras (na sana nakatapos ka na ng mga mas importanteng bagay na gagawin), ang kilig (na sana inihi mo na lang--nakagaan pa ng pakiramdam), ang araw mo (na sana naenjoy mo na lang kasama ang mga taong di ka iniwan). Kesa igugol mo ang buong araw, linggo o buwan sa pag mumukmok mo ng dahil sakanya bat di ka na lang mag atupag sa pag aaral o trabaho mo. Wag kang batugan!

*Signs na isa kang certified assumera at tanga na kailangan mo ng tigilan:

1.) Kapag umaasa ka pa din na magkakaroon kayo ng mala-romantic movie set up na paguusap (Ano? Feeling mo ang eksena nyo eh magkakaroon kayo ng chance na magkakwentuhan sa isang coffee shop at di nyo namalayan na kayo na ang nagsarado nung shop dahil masyado kayong namangha sa istorya ng isa't isa? Gising 'te! Nananaginip ka nanaman ng gising)

2.) Kapag nililike nya lahat ng posts ng kaibigan mo sa Facebook at yung sayo ay deadmabelles pa din until now. (Wag kang assuming na baka kaya di nya nililike ang mga posts mo ay dahil feeling mo baka iniisip ni guy na mapansin mong may gusto din sya sayo--Gising ulit ateng! Ang bottomline lang nyan ay ayaw nya talaga sayo)

3.) Kapag puro ikaw ang nauunang magchat sakanya tapos ang ending conversation ay ikaw pa din ang kumukuda (Ateng, alam mo ba ang salitang seenzone? Na-seenzone ka beh)

4.) Kapag nakakasalubong mo sya eh hindi ka nya pinapansin. Yung tipong nagtumbling tumbling at split ka na sa harapan nya ay deadmabelles pa din. (Kailangan mo na bumili ng salaming may grado beh, baka lumala yan sige ka)

5.) Kapag may jowa na sya at umaasa ka pa ding magbrebreak sila agad dahil miyembro ka ng #WalangForeverGang (Move on na girl, kahit walang ika-mo-move on sa pagitan nyong dalawa dahil sabi nga ni Mareng Sarah G mo, "There was never an US")



 

Template by BloggerCandy.com